ABSTRACT : Ang pag-aaral na ito ay gumawa ng pagsusuri sa mga salik na nakaaapekto sa paglinang ng kasanayang pasalita ng mga mag-aaral sa sekundarya. Ginamit ang deskriptibong pananaliksik na may 30 kalahok mula sa Integrated Laboratory School (ILS) ng WMSU. Tatlong pangunahing salik ang tiningnan: estruktura ng wika, salik pantahanan, at salik pangklasrum. Ang mga datos ay nakalap gamit ang talatanungan na may Likert scale. Nalaman na ang estruktura ng wika, partikular ang gramatika, ay isang pangunahing hamon. Ang suporta ng magulang ay may positibong impluwensya, ngunit hindi tiyak. Ang mga gawain sa klase na gumagamit ng wikang Filipino ay may malaking epekto sa pagpapahusay ng kasanayang pasalita. Gayunpaman, walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng tatlong salik, na nagmumungkahi na ang bawat isa ay may independiyenteng epekto sa paglinang ng kasanayang pasalita.
KEYWORDS : Kasanayang pasalita, paglinang, salik.