ABSTRAK : Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy at masuri ang mga saloobin ng mga respondente sa pag-aaral ng Filipino at kung paano ito nakakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa batsilyer ng sekondaryang edukasyon medyur ng Filipino Sa Jose Rizal Memorial State University, Siocon Campus Panuruang Taon 2022-2023. Ang pag-aaral na ito ay nagpapatibay sa haypotesis na “Walang makabuluhang kaugnayan ang mga saloobin sa pag-aaral ng Filipino at mga akademikong performans”. Ito din ay gumamit ng kwantitatibong paraan, ang deskriptibong pagsisiyasat at deskriptibong korelasyonal. Mayroong isang daan at walong (108) respondente ang kasali sa pag-aaral na ito. Ang mga Weighted Mean, Standard Deviation, at Spearman Rank-Order Correlation Coefficient ang mga statistical tools na ginamit sa pag-aaral. Natuklasan na ang mga saloobin ng mga respondente sa pag-aaral ng Filipino sa aspeto ng kognitib ay nasa “palagi” na may grand mean na 4.49. Mula sa resulta, natuklasan na ang mga respondente na nasa aspetong paguugali ng saloobin sa pag-aaral ng Filipino ay may grand mean na 4.50 na may deskripsyong “palagi” na nagpahiwatig ng positibong saloobin sa pag-aaral ng Filipino. Natuklasan na ang mga saloobin ng mga respondente sa pag-aaral ng Filipino sa aspeto ng emosyonal ay nasa “madalas” na may grand mean na 4.10 at nagpahiwatig ng positibong emosyonal na saloobin sa pag-aaral ng Filipino. Mula sa kabuuang resulta ng tatlong (3) indicator, natuklasan na may kabuuang mean na 4.34 at ang mga datos ay nagpapakita ng positibong pangkalahatang saloobin sa pag-aaral ng Filipino ng mga respondente.
MGA SUSING SALITA: Saloobin sa Pag-uugali, Kognitib na Saloobin, Emosyonal na Saloobin, Akademikong Performans.