ABSTRAK : Ang pangunahing layunin sa pag – aaral na ito ay ang matukoy at masuri ang epektibong pagtuturo ng mga guro kaugnay sa akademikong performans ng mga mag – aaral sa asignaturang Filipino sa gitna ng bagong normal na kalakaran. Ang mga piling respondente ay ang mga mag – aaral na kasalukuyang kumukuha ng BSED Filipino Program mula sa Departamento ng Edukasyon ng Jose Rizal Memorial State University System sa taong panuruan 2021 – 2022. Ginamit ang Kwantitatibong Desenyo ng pag-aaral sa pamamagitan ng deskriptibong pag – aanalisa ng mga datos. Ang metodong ito ang angkop para sa pag- aaral dahil malinaw nitong mailalarawan ang mga umiiral na mga kondisyon base sa pag- unawa ng mga respondente tungkol sa kanilang mga karanasan. Natuklasan mula sa pag – aaral na ang mga respondente sa anumang domeyn, gaya ng kognitib, afektib at saykomotor ay kapwa epektibo ang kanilang pagkatuto ng mga respondente. Gayundin sa estado ng kanilang pag – aaral hinggil sa pagpapatupad ng mga guro gamit ang Flexible Learning System ay nagpapakita ng epektibong performans ng mga respondente. Kalakip ang kanilang performans sa bawat asignatura ng Filipino ay kasiya – siya. Samakatuwid, nagampanan ng mga guro nang buong husay ang kanilang pagtuturo kahit pa man sa pagbabagong nagaganap. Iminumungkahi ng mananalaksik na gamitin ang portfolio na nabuo bilang bahagi sa pagpapaunlad ng kanilang performans sa asignaturang Filipino.
Susing Salita: Asignaturang Filipino, Bagong Normal, Edukasyon, Epektibong Pagtuturo