KAKAYAHAN SA PAGSUSURI NG TULA – AJHSSR

KAKAYAHAN SA PAGSUSURI NG TULA

KAKAYAHAN SA PAGSUSURI NG TULA

ABSTRCT: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga salik na nakaaapekto sa kakayahan sa pagsusuri ng mga tula ng mag-aaral na nasa Grade 11 Humanities and Social Sciences ng Ramon Magsaysay Technological University T.P 2017 2018, at natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod: Madali para sa mga mag-aaral na suriin ang sukat ng tula at katamtamang mahirap para sa elementong tono, tugma at talinghaga. Nakaaapekto ang pananaw sa mga salik na mag-aaral, guro, pamilya at kaibigan sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula. Mayroong pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula sa elementong sukat, tugma, tono at talinghaga. Mayroong pagkakaiba ang pananaw ng mga mag-aaral sa salik ng guro, mag aaral, pamilya at kaibigan na nakakaapekto sa kakayahan sa pagsusuri ng tula. Mayroong maliit korelasyon sa antas ng kakayahan sa salik ng guro, pamilya, mag-aaral at kaibigan. Batay sa resulta nabuo ang mga mungkahi: Gumawa ang guro ng kagamitang pampagtuturo na makakatulong upang mapataas ang antas ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula. Ang mga guro ng panitikan ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagsusuri ng mga tula. Iminumungkahi na bigyan nang sapat na oras ang mga mag-aaral ng mga pagsasanay sa pagsusuri ng tula upang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pag-aanalisa ng tula. Paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbibigay katuturan sa mga tayutay, simbolo at talinghaga. Ang mga mananaliksik at mga guro ng panitikan ay nararapat na magsagawa ng higit na mas lalim na pag-aaral katulad ng paksang ito.
KEYWORDS: Elemento ng Tula, Kakayahan ng mga Mag-aaral, Pagsusuri ng Tula, Tula, Salik sa Kakayahang Pagsusuri