ABSTRACT: Ang pananaliksik nito ay binuo upang alamin ang mga pamamaraan sa madaling pag-aaral atpagkatuto ng mga mag-aaral sa Grado 10 sa asignaturang Filipino . Ito ay naglalayong malamanangIntegrasyonng Paggamitng ICT Software at Tradisyunal na Kagamitan sa Pagtuturong Literatura ng Pandaigdigat makabuo ng mga kagamitang interbensyon na makatutulong sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Anginstrumento na ginamit sa pananaliksik ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng paunang pagsusulit (Pre-test) atpanghuling pagsusulit (Post Test) sa dalawang aralin sa asignaturang Literaturang Pandaigdig. May kabuuangwalumpung (80) mag-aaral mula sa dalawang seksyon sa Grado 10. Ang apatnapu (40) ay mula sa Grade10Theasaurus na gumamit ng tradisyunal na kagamitan. At apatnapu (40) rin ang mula sa Grade 10 – Britannicana gumamit ng mga ICT Software sa pag-aaral ng Literaturang Pandaigdig. Pamaraang Eksperimental oExperimental Method ang ginamit sa pananaliksik na kung saan ang pagsusulit na ibinigay ng mananaliksik angnagsilbing pangunahin at pinakamahalagang instrumento sa paglikom ng mga kinakailangang datos. Ginamitang istatistikal na proseso tulad ng Pagbabahagdan (Percentage), Frequency, Average Weighted Mean at Chisquare sa mga nakalap na datos.
KEYWORDS : ICT software, web browser, publisher, word processor, power point presentation