ABSTRAK: Ang papel ng isang unibersidad ay hindi natatapos sa pagtatapos ng mga estudyante nito. Kaugnaynito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral na may layuning matukoy at masubaybayan ang mganagsipagtapos sa digri na Master of Arts in Panitikang Filipino sa taong 2017-2020 sa Cebu Normal University.Tiniyak na matugunan ang sumusunod (1) Ano ang estado sa pagtatrabaho ng mga nagsipagtapos? (2) Ano angpangunahing linya sa negosyo ng kompanyang kasalukuyang pinagtatrabahuan? (3) Ano ang mga kasanayan nanatutuhan nila mula sa digring natapos? (4) Ano ang mga mungkahi ng mga nagsipagtapos para mapaunlad angkurikulum ng programa?. Ginamit ang deskriptibong pagsusuri upang masuri ang mga datos na nakalap. Bataysa nakuhang datos, napag-alaman na ang mga nagsipagtapos ng kursong Master of Arts in Panitikang Filipinoay kasalukuyang nagtatrabaho at lahat ay nagtuturo. Natutuhan nila ang kasanayan sa kritikal na pag-iisip atpakikipagkomunikasyon. Iminumungkahi nila na ipagpatuloy ang mga best practices ng programa lalo na angpananaliksik.Susing Salita: tracer study, Master of Arts in Panitikang Filipino, akademya, industriya,