ABSTRAK: Ang mga nagsipagtapos ng digri ay isa sa mga mahalagang stakeholders ng isang institusyon atmalaki ang kanilang papel sa pagpapaunlad ng kurikulum. Kaugnay nito, ang mga mananaliksik ay nagsagawang pag-aaral upang matukoy ang kinahihinatnan ng mga nagsipagtapos ng Bachelor of Arts in Filipino sa CebuNormal University. Sa pananaliksik na ito ay tiniyak na matugunan ang sumusunod: (1) Ano ang estado sapagtatrabaho ng mga nagsipagtapos? (2) Ano ang pangunahing linya sa negosyo ng kompanyang kasalukuyangpinagtatrabahuan? (3) Ano ang mga kasanayan na natutuhan nila mula sa digring natapos na nagamit sakasalukuyang trabaho? (4) Ano ang mga mungkahi ng mga nagsipagtapos para mapaunlad ang kurikulum ngprograma? at (5) Ano ang mga pidbak na nakuha sa administrador na may kaugnayan sa kasalukuyang trabaho?Sa pag-aaral na ginawa ay gumamit ngdeskriptibong pagsusuri upang masuri ang mga datos na nakalap. Bataysa nakalap na datos, napag-alaman na ang mga nagsipagtapos ng digri na Bachelor of Arts in Filipino aykasalukuyang nagtatrabaho at nasa larangan ng edukasyon at nagamit sa pagtatrabaho ang kasanayan sapakikipagkomunikasyon. Iminumungkahi ng mga nagsipagtapos ang pagpapaunlad sa kurikulum na maykaugnayan sa pagtuturo at karagdagang education units. Marami rin ang nakakuha ng pidbak mula saadminsitrador na hinggil sa kanilang kahusayan sa kasalukuyang trabaho.
Susing Salita: tracer study, Bachelor of Arts in Filipino, akademya, industriya, gradwado