ANG ISTRUKTURA NG PANGNGALAN AT PANDIWA NG MACHINE TRANSLATION SA TUMBASANG INGLESFILIPINO – AJHSSR

ANG ISTRUKTURA NG PANGNGALAN AT PANDIWA NG MACHINE TRANSLATION SA TUMBASANG INGLESFILIPINO

ANG ISTRUKTURA NG PANGNGALAN AT PANDIWA NG MACHINE TRANSLATION SA TUMBASANG INGLESFILIPINO

ABSTRAK: Nilalayon ng pananaliksik na ito na mailarawan ang istruktura ng pangngalan hinggil samaramihang anyo nito at pagbabanghay sa aspekto ng pandiwa mula sa machine translation. Kinuha ang datosmula sa opisyal na Facebook page ng Department of Health Philippines at Presidential Communication.Nakalikom ng 87 Facebook post, mula rito nalikom ang 835 magkaibang pangangalan at 405 magkaibangpandiwa. Ginamit bilang batayan ang “Tagalog Reference Grammar” nina Schachter at Otanes (1972). Lumabassa pag-aaral na may dalawang anyo ang pluralization sa salin tungo sa wikang Filipino. Makikita angpagpapanatili ng “s” bilang palatandaan ng pluralization ng Ingles at ang paggamit ng “mga” ng machinetranslation upang maging plural din ang leksikon sa Filipino. Lumabas sa pag-aaral na kayang isalin ng machinetranslation ang aspekto ng pandiwa sa Ingles tungo sa katumbas na aspekto nito sa wikang Filipino. Dahilkakikitaan ng pagiging flexible ang wikang Filipino, makikita rin sa pag-aaral ang iba‟t ibang istruktura ngaspekto. Tulad ng imperpektibo, ginamit ang tatlong paraan tulad ng N + DupA + Basic Form at na maaari ringang pagdagdag ng verbal afiks na -um- at inflix na -in- (ni). Gayundin sa perpektibo, ginamit ang mga panlapina -um- at -in ngunit hindi na ito kakikitaan ng duplikasyon ng unang pantig ng pandiwa.

KEYWORDS- machine translation, reference grammar, aspekto ng pandiwa, pluralisation