MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL – AJHSSR

MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL

MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL

ABSTRAK: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailahad ang palabuuan na sumasaklawsa anyongmorpemang wikang Ayangan ng Mayoyao, Ifugao. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibongkwalitatibongdisenyo ng pananaliksik kayat ito ay gumamit ng di-binalangkas na pakikipanayamsamgatagatugon na tagalower bahelna ng nasabing lugar. Natuklasan sa pag-aaral na mayroong morpemangsalitang-ugat, morpemangpanlapi, at malimit na morpemang ponema ang wikang Ayangan. May mga salitang- ugat sa wikang Ayanganna ang salin sa wikang Filipino ay hindi nag-anyong salitang-ugat. May mga salitarinna ang bilang ng pantig ngsalitang-ugat sa wikang Ayangan ay hindi pareho sa bilang ng pantig ng salitang- ugat sa wikang Filipino at itoay bise bersa. May mga panlapi sa wikang Ayangan na tinumbasan ngmgapanlapi sa wikang Filipino. Ang mgapanlapi na ginamit sa paglalapi sa mga salitang-ugat para magingmakauri at makangalan na mga salita sawikang Ayangan ay pareho na ginamit sa paglalapi sa mga salitang- ugat sa wikang Filipino bilang tumbas ngmga salita sa wikang Ayangan. Ang paglalaping ginawa sa makauri at makangalan sa wikang Ayangan aypareho sa wikang Filipino. Natuklasan din na ang panlaping [in] at [um]ay nagkakaiba ng pusisyon sa mga salitasa hanay ng makadiwa. Natuklasan din sa pag-aaral na ito na walangsalita sa wikang Ayangan ang maylaguhang paglalapi. Natuklasan din na ang indigenous accent symbol ( ‘ ) aykumakatawan bilang [ko] at angponemang /m/ naman ay kumakatawan bilang [mo] sa morpemang ponemangwikang Ayangan.Susing-salita: palabuuan, morpema, wikang Ayangan, lower bahelna, wikang Filipino