ABSTRACT: Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mataya ang komunikatibong kasanayang pangwika ng mgaguro sa Filipino at nakabuo ng modelong ebalwasyon sa kahusayan sa wikang Filipino na tutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa gramatikang Filipino.Ginamit sa pag-aaral ang palarawang pamamaraan odescriptive method at paggamit ng mula sa siyamnapu’t walong guro mula sa pampublikong paaralangsekondarya sa Zone 2, Dibisyon ng Zambales.Batay sa natuklasan ng pag-aaral, malaking bilang ng mga gurongtagatugon ay nasa katamtamang katandaan, babae, may units sa Masteral, Titser I, may eryang ispesyalisasyonna Filipino, at may hustong bilang ng palihang sinalihan, ang mga gurong tagatugon ay “Lubhang Mahusay” sakasanayang pangwika, maryooong pagkakaiba sa komunikatibong kasanayang pangwika ng mga guro ukol saKakayahang Lingguwistiko, Kakayahang Sosyolingguwistiko, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik, atKakayahang Diskorsal ayon sa kanilang eryang ispesyalisasyon, at ang mungkahing programang interbensyonay ukol sa sulosyon para sa komunikatibong kasanayang pangwika ng mga guro. Batay sa mga natuklasan sapag-aaral at konklusyon, ang paaralan ay maaaring magsagawa ng pagsasanay ukol sa sa pagsulat ng akdangpampanitikan, Iminumungkahi sa mga tagapamanihala o prinsipal ng paaralan ang daliang pagbuo ng manual naprograma hinggil sa paggamit ng dayalektong pangwika, maaaring magbuo ng diksyonaryo bilang solusyon samatagumpay at mabisang pagkakaintindi, bigyang prayoridad ng mga tagapamanihala o prinsipal ng paaralanang pakikiisa sa panuntunan sa kantidad, kalidad, relasyon at paraan ng kombensyon para sa mga guro, atmagsagawa ng isa pang pag-aaral na may kahalintulad o kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral upang makonpirmaang resulta o kinalabasan nito.
Keywords : Komunikatibong Kasanayang Pangwika, Interbensyon, Kakayahang Lingguwistiko, KakayahangSosyolingguwistiko, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik, at Kakayahang Diskorsal