Antas ng Kakayahan sa Pagsusuri ng Tula ng mga Mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangan National High School, Zambales, Taong Panuruan 2020-2021 – AJHSSR

Antas ng Kakayahan sa Pagsusuri ng Tula ng mga Mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangan National High School, Zambales, Taong Panuruan 2020-2021

Antas ng Kakayahan sa Pagsusuri ng Tula ng mga Mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangan National High School, Zambales, Taong Panuruan 2020-2021

ABSTRACT : Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga salik na nakaaapekto sa kakayahan sa pagsusuri ng tula ng mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng Cabangan National High School, Zambales, Taong Panuruan 2020-2021. Ang Pananaliksik na ito ay gumamit ng Palarawang pamamaraan o descriptive method. Palarawang pamamaraan sapagkat ang mga datos ay inilalahad kung gaano karami o kalaki ang isang bagay at inilalahad din ang resulta sa pamamagitan ng mga bahagdan.Batay sa lagom ng pag-aaral na isinagawa. Ang antas ng kakayahan sa pagsusuri ng tula ng mga mag-aaral ayon sa akda at ritmo ay nakakuha ng satisfactory, samanatalang ang tugma, sukat, imahen, kaisipang pangkasaysayan, at repleksyon ay nakakuha ng fair. Ang karaniwang kahirapan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula ayon sa akda, tugma, sukat, imahen, kaisipang pangkasaysayan at repleksyon ay nakakuha ng moderate, samantalang ang ritmo ay easy, sa kabuuan moderate ang kahirapan sa pagsusuri ng tula. Ang kagamitang pagtuturo ng tula na ginagamit ng mga guro ay ang batayang aklat, modyul, at banghay-aralin. May makabuluhang kaugnayan ang kakayahan sa pagsusuri ng tula sa kahirapan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula.Batay sa lagom ng resulta at konklusyon, ang mananaliksik ay nagrekomenda ng mga sumususnod: Bigyan nang sapat na gawain ang mga mag-aaral at magbigay ng mga istratehiya paano kung paano magsuri ng tula. Paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbibigay katuturan sa sa pagsusuri ng tula ayon sa akda, tugma, sukat, imahen, kaisipang pangkasaysayan at repleksyon. Magsagawa ng makabuluhang kagamitang pampagtuturo na makakatulong upang mapaunlad ang kahirapan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng tula. Nararapat na magsagawa ng higit na mas malalim na katulad na pag-aaral na magpapakita ng kaugnayan sa resultang natamo sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng malalim na pag-aaral tungkol sa mga kakayahan sa pagsusuri ng tula.
KEYWORDS : Tula, Pagsusuri ng Tula, Akda, Ritmo, Tugma, Sukat, Imahen, Kaisipang Pangkasaysayan,
Repleksyon