ABSTRAK Ang pandarayuhan upang maghanapbuhay ay isang pagpapakita ng tibay ng kalooban at pag-aalayng buhay para sa pamilya. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang dahilan ng pangingibang-bansa ngmga miyembro ng pamilya, malaman ang mga suliraning kadalasang kinakaharap ng isang anak-migrante,malaman ang kahandaang ginagawa ng isang anak-migrante sa new normal at makabuo ng programa ngpaaralan para sa anak – migrante na grade 12 ng dibisyon ng Olongapo, 2020-2021. Ang pananaliksik aygumamit ng palarawang pamamaraan sa pamamagitan ng bahagdan, weighted mean, ANOVA at Likert Scale.Mas maraming babae ang nagbigay kasagutan na, nasa middle class, ang trabaho ng kanilang magulang ay nasaland-based sa bansang Asia, karamihan ay tatay ang nagpupunta ng ibang bansa, at ang naiiwan sa mga anakmigrante ay ang kanilang mga lola. Ang dahilan ng pangingibang-bansa ng mga miyembro ng pamilya aysumasang-ayon para sa trabaho, pamilya at kaunlarang pampropesyunal. May makabuluhang pagkakaiba angmga suliranin sa kadalasang kinahaharap ng isang anak-migrante. May makabuluhang pagkakaiba sakahandaang ginagawa ng isang anak-migrante sa pagyakap sa new normal.
KEYWORDS: Anak-Migrante, New Normal, Pandarayuhan, Pangingibang bansa