ABSTRAK: Ang pagpapatiwakal o sariling pagtapos ng buhay ay isang malubhang dilema na madalas nakinahaharap ng isang taong nakararanas ng malalim na hirap at kalungkutan. Ang isa sa mga dahilan ngpagpapatiwakal ay ang pagtingin dito bilang isang paraan ng pagtakas mula sa mga suliranin at hamon ng buhay.Ang pagsusuri sa maikling kuwentong “Bahay sa Dilim” ni Alfredo Enriquez ay isang uri ng kwalitatibongpananaliksik na gumamit ng pagsusuring pangnilalaman upang maabot ang layunin nito na tukuyin atmaipaliwanag ang mga isyu ng dilema at desisyon sa pagpapatiwakal, pagmamahal sa pamilya, at pangungulilaat pagsisisi. Sa paggamit ng mga teoryang pampanitikan tulad ng eksistensyalismo at romantisismo bilang mgagabay, ninais ng mga mananaliksik na magbigay-liwanag at solusyon sa mga isyu ng pagpapatiwakal. Ito aymagiging patnubay sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga suliranin at karanasan ng mga pamilyangPilipino, pati na rin sa mga laban na hinaharap ng isang tao na nakararanas ng isang dilema. Sa dulo, hinahamonng pag-aaral na ito na gamitin pa ang iba’t ibang uri ng panitikan na mas naglalarawan ng tunay na karanasan atrealidad ng buhay.
KEYWORDS : pagpapatiwakal, dilema, kalungkutan, buhay, pangungulila