I-BOOKS: LOKALISADONG MATERYAL SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL – AJHSSR

I-BOOKS: LOKALISADONG MATERYAL SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

I-BOOKS: LOKALISADONG MATERYAL SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng Lokalisadong Materyal sapaglinang ng kasanayan sa Akademikong Pagsulat sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito aygumamit ng experimental na pamamaraan. Ang mga respondente ay pinili sa pamamagitan ng purposivesampling sa Baitang 11 na may kabuuang 60 na mag-aaral sa Infanta National High School. Ang mananaliksikay gumagamit ng I:Books na lokalisado, isang self-made checklist questionnaire at pre-test at post-test bilanginstrumento. Batay sa nakalap na mga datos, ang antas ng pagtanggap ng lokalisadong materyal sa paglinang ngkasanayan sa pagsulat batay sa Layunin, Nilalaman, Gawain, Pagtataya at Pagbabaybay, Wastong gamit ngsalita at Wastong gamit ng bantas ay may punang Napakataas. Dahil sa hindi nagkakalayong iskor ng dalawangpangkat sa paunang pagsusulit ang kanilang pag-unawa sa Filipino ay may punang medyo tanggap. Ayonnaman sa resulta ng panapos na pagsusulit, ang antas ng pag-unawa ng pangkat kontrol ay may punangkatanggap-tanggap. Samantalang ang antas naman ng pag-unawa ng pangkat eksperimental ay may punanglubos na katanggap-tanggap. Gayon din ipinakita sa datos na may makabuluhang pagkakaiba ang perpormans ngdalawang pangkat ayon sa kanilang panapos na pagsusulit.

KEYWORDS : Kasanayan,Lokalisado, Materyal,Pagsulat, Pag-unawa