ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kakayahan sa panggramatikang filipino og mga mag-aaral na nasa Grade 9 ng Laboratory High School sa President Ramon Magsaysay State University taong panuruan 2018- 2019, at natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod; Ang antas ng kakayahan ng mga tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakapagtamo ng “Beginning” sa pagpili ng wastong salita, kayarian ng pangungusap at lohikal na organisasyon. Ang antas ng kakayahan ng tagatugon sa panggramatikang Filipino ay nakatamo ng “Developing” sa wastong gamit ng salita, ayos ng pangungusap, pagbuo ng pangungusap at mekaniks. Ang mungkahing modyul ay kailangan bilang kagamitang pampagtuturo. Ang pagtataya sa mungkahing modyul ayon sa kabiston ay lubusang sumasang-ayon. Lumalabas na walang makabuluhang kaugnayan angakademikong performans sa kakayahan sa pagsusuri ng gramatikong Filipino ng mga mag-aaral. Matapos malaman ang resulta ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na mungkahi: Higit na pag-ibayuhin ng mga guro sa Filipino na maging mapamaraan at malikhain pagtuturo ng wasto at angkop na gamit ng salita sa loob ng pangungusap upang malinang sa kanila ang kawastuhan sa gramatikang Filipino nang magamit nila ito ng maayos sa kanilang kasanayang pasalita at pasulat. Paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng maraming halimbawa sa mga tiyak na sitwasyon at sa iba pang pagkakataon. Paunlarin ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat ng artikulong may lohikal na organisasyon ng bawat kaisipan at maging ang paggamit ng angkop sa tuntuning ng pagbabantas, pagbabaybay at kapitalisasyon. Ang binuong modyul ng mananaliksik ay maaring gamitin ng mga guro sa Filipino upang mapaunlad nang husto ang kanilang kagalingan sa wasto at angkop sa paggamit at pagpili ng mga salita at maging sa pagsulat ng isang artikulo. Ang mga mananliksik at mga guro ng wika ay nararapat na magsagawa ng higit na mas malalim na katulad na pag-aaral na magpapakita ng kaugnayan sa resultang natamo sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng malalim pag-aaral tungkol sa kakayahan sa panggramatikang Filipino ng mga mag-aaral.
Keywords: Gramatika, Kakayahan sa Gramatikang Filipino, Interbensyong material, Pagbuo ng artikulo, Wastong gamit ng salita, Pagpili ng wastong salita