ABSTRAK: Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay mahalagang kasangkapan sa paghahatid ng mabisangpagtuturo sa loob ng silid. Tinukoy sa pag-aaral na ito ang antas ng kagustuhan ng mga mag-aaral sa pagsasadula,pangkatang talakayan at paggawa ng mga koneksyon sa tunay na karanasan sa buhay bilang mga estratehiya sapagtuturo ng panitikan sa Filipino at pasalitang partisipasyon ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ng MisamisUniversity Junior High School, Ozamiz City. Ang ginamit na disenyo sa pananaliksik na ito ay deskriptivcorrelational. Ang mga datos sa pag-aaral ay nagmula sa kabuuang populasyon na 120 na mag-aaral at tatlongmga guro na tagamasid sa pasalitang partisipasyon ng mga mag-aaral. Ang Talatanungan sa Kagamitan saPagtuturo ng Panitikan at Checklist batay sa Obserbasyon sa Pasalita na Partisipasyon ay ang instrumentongginamit sa pagkalap ng datos. Mean, standard deviation, Analysis of Variance at Pearson Product-MomentCorrelation Coefficient ang mga ginamit na estatistiko na sangkap. Inihayag sa naging resulta na ang tatlong pilingestratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa Filipino ay may pinakamataas na antas ng kagustuhan ng mga mag-aaral.Ang antas ng pakilahok ng mga mag-aaral sa paggamit ng tatlong estratehiya sa pagtuturo ng panitikan aypinakamataas na nagpapahiwatig na aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa mga gawain. Inihayag din nawalang makabuluhang kaibahan sa antas ng kagustuhan ng mga mag-aaral sa mga estratehiya sa pagtuturo ngpanitikan sa Filipino. Ito ay nangahulugan na gustong-gusto ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng mgaestratehiya sa pagtuturo. Walang makabuluhang kaugnayan ang kagustuhan sa mga estratehiya at antas ngpakikilahok ng mga mag-aaral. Hindi nakaapekto sa kanilang pakikilahok ang anumang estratehiyang ginamit ngguro.
KEYWORDS : estratehiya, karanasan, pagsasadula, pagtuturo, pangkatang talakayan