ABSTRACT : Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay nag lalayong matuklasan ang makabuluhangimpluwensya ng gawi sa pag-aaral sa akademikong marka ng kolehiyong mag-aaral ng San Agustin Institute ofTechnology. Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng quantitative, non-experimental design na ginagamitandin ng descriptive-correlational technique. Gamit ang inangkop na standardized questionnaire, sinuri ng mgamananaliksik ang nasa dalawang daan at tatlongpu’t lima (235) na mag-aaral sa kolehiyo. Pinili ang mgarespondente gamit ang simple random technique. Ang mga datos na nakolekta ay sinuri gamit ang frequencycount, mean, Pearson r, at multiple regression. Kung ayon sa kasarian, mas marami ang mga kababaihan kungikukumpara sa kalalakihan. Kung ayon naman sa antas ng taon, ang pinakamarami ay mga mag-aaral na nasaikatlong taon. Sa antas ng mga baryabol naman, ang gawi sa pag-aaral ay nakakuha ng kabuuang antas na maykatumbas na magandang gawi. Sa kabilang banda, ang karamihan ay nakakuha ng napakahusay (very good) naakademikong marka. Sa pagsusuri ng ugnayan sa baryabol, ang resulta ay nagpapakita na ang gawi sa pag-aaralay may makabuluhang ugnayan sa akademikong marka. Gayundin sa resulta ng multiple regression analysis,ang gawi sa pag-aaral ay nagpapakita ng makabuluhang impluwensya sa akademikong marka.Nangangahulugan lamang na ang mga mag-aaral na palaging dumadalo sa klase, gumagawa ng magandangestratehiya sa pag-aaral, kumukuha ng tala sa mga talakayan, magaling sa pamamahala sa kanilang oras atgayundin laging handa sa kanilang pagsusulit ay nakakakuha ng mataas na akademikong marka.
KEYWORDS : gawi sapag-aaral, akademikong marka, COVID-19 pandemya, Philippines