ABSTRACT: Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay makalikom at masuri ang mga piling kuwentong-bayang Surigaonon tungo sa pagbuo ng isang Antolohiya.Tinitiyak ng pag-aaral na matugunan ang mga sumusunod na pahayag: tema; simbolismo; kultural na implikasyon; at antolohiya. Ginagamitan ito ng kwalitatibong pamamaraan upang mapakahulugan ang mga datos na nakalap. Content Analysis ang naging pamamaraan ng pag-aanalisa. Ang pag-aaral na ito ay nilahukan ng mga sampung (10) tubong Surigaonon na nakatira sa iba‟t ibang lungsod sa edad 50 pataas.Isang talatanungan na sinabayan ng impormal na panayam ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos. Lumabas sa pag-aaral nasa pagsusuri ng tema sa mito, kuwentong kababalaghan ay lumilitaw na naniniwala ang karamihang tao noon sa mga kababalaghang nangyayari at may matibay na pananampalaya sa Poong Maykapal. Lumitaw din sa pag-aaral na ang pagtutulungan ay hindi mawawala sa kanilang kaugalian at tradisyon.Sa pagsusuri ng simbolismo sa bawat kuwentong-bayan , kadalasan ang sinisimbolo nito kung ano ang kanilang kaugalian. Napag-alaman sa pagsusuri ng kultural na implikasyon,nakapaloob sa bawat kuwentong-bayan na mahilig pa ring maniniwala noon sa mga kuwentong kababalaghan at ang iba ay panakot sa mga batang hindi maagang natutulog. Ang mga kuwentong-bayan ay nagmula sa mga salaysay ng ating mga ninuno na dapat nating pahalagahan at i-preserba para sa susunod na henerasyon. May mga oral na literatura pa sa ibang lungsod ng Surigao del Sur na hindi pa nailathala, pag-aralan pa ito upang mapatunayang ang Surigao del Sur ay napakayaman sa mga foklor. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral ay nabuo ang isang antolohiya ng mga kuwentong-bayang Surigaonon na maipagmamalaki sa buong rehiyon ng Caraga na hanggang ngayon ay nanatili pa rin bilang bahagi ng kanilang kulturang kinagisnan..
MGA SUSING SALITA (Keywords) : Kuwentong-bayang Surigaonon, antolohiya, tema, simbolismo ,at kultural na implikasyon