ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay may titulong Pagsipat sa Leksikograpiyang Sambal: Pag-ambag atPagsusuri ng Wikang Sambal sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Nakatuon ang pag-aaral na ito sapangongolekta at pag-uuri ng mga magkakaibang salita sa dayalekto ng wikang Sambal na magkakapareho angkahulugan. Kwalitatibong metodolohiya ng pananaliksik ang ginamit at palarawan naman ang disenyo nito.Mayroong tatlumpong tagatugon sa pananaliksik na ito na mula sa mga piling bayan sa lalawigan ng Zambales.Mula sa mga nakalap na datos ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. Ang mga tagatugon ay tipikal namga babae na nabibilang sa edad na apatnapu pababa. Ang mga salita sa wikang Filipino ay mayroongkatumbas na mga salita sa dayalektong Sambal-Sta. Cruz, Sambal-Tina, at Sambal-Botolan. Ang mga salita samga dayalekto ng wikang Sambal na magkakapareho ang kahulugan ay maaaring mauri sa mga sumusunod: (1)Magkakaiba ang Anyo (2) Magkakaiba sa isa o dalawang ponema (3) Magkakaparehong anyo (4)Magkakaparehong anyo sa ilang salita at (5) Magkakaibang anyo sa ilang salita. Nararapat na maging malay angmga lokal na residente sa pagsasalita ng dayalekto ng wikang Sambal upang maisaalang-alang ang pagkakaibaiba ng mga salitang ginagamit sa isang partikular na lugar. Batay sa mga konklusyon ang mga sumusunod ayang naging mungkahi ng mga mananaliksik. Mahalagang malaman ng mga lokal na residente kung paano nauuriang dayalekto ng wikang Sambal upang maisaalang-alang ang paggamit ng mga ito. Magpalimbag ng mgasangguniang aklat katulad ng mga diksyunaryo at glosaryo upang makatulong na malaman ang mga katumbasna salita mula sa isang dayalekto tungo sa isa pang dayalekto ng wikang Sambal. Ipinapayong gamiting batayanng mga mananaliksik sa lokal na wika ang pananaliksik na ito upang magsilbing sanggunian. Hinihikayat angmga mananaliksik ng wika na magsagawa ng mga pananaliksik na mas malalim na sinusuri ang varyasyon ngmga dayalekto ng wikang Sambal.
KEYWORDS: Wikang Sambal, Pagsusuri ng Wika, Leksikograpiyang Sambal