PAGTATAYA NG MTB-MLE : TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM – AJHSSR

PAGTATAYA NG MTB-MLE : TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM

PAGTATAYA NG MTB-MLE : TUGON SA PAGPAPAUNLAD NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM

ABSTRACT : Ang MTB-MLE o Mother Tongue-Based Multilingual Education sa Pilipinas ay isang pagtugon sa uhaw na pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa pagtamo ng madaliang pag-unawa sa isang aralin.Tinitiyak na mataya ang pagpatupad ng: 1) layunin ng MTB-MLE; 2) estado ng kagamitang panturo ng unang wika; 3) estado ng mga guro sa pagtuturo ng unang wika; 4) estado ng implementasyon sa pagtuturo sa K to 3; 5) estado ng pakikisangkot ng administrasyon; 6) estado ng pakikisangkot ng mga tao sa komunidad; at 7) mga suliranin kinaharap at ungkahing solusyon. Ang pag-aaral na ito ay nilahukan ng 30 guro at 2 administrador sa iba’t ibang paaralang elementarya mula sa Dibisyon ng Talisay, Cebu. Isang survey questionnaire na sinabayan ng impormal na panayam ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos. Lumalabas sa pag-aaral na kinakaharap ng mga guro ang kakulangan ng mga kagamitan sa pagtuturo tulad ng mga aklat at iba pang sanggunian. Ang nasa TG na lesson ay kakaiba sa LM. Ang mga mag-aaral ay walang mga aklat kaya minsan pinapasipi na lamang sa pisara ang mga paksa. Ang ikalawa ay ang walang kaisahan sa paggamit ng termino at iba’t ibang bersyon sa pagbaybay dahil walang ortograpiya na siyang batayan sa lahat ng mga guro. Ikatlo ay masyadong malalim ang mga salita na makikita sa LM ay masyadong nahihirap ang mga guro sa pag-uunawa pati ang mga mag-aaral ay nahihirapan din sa pag-uugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan. Ang ikaapat ay walang sapat na pagsasanay na ibinibigay ng mga guro sa MTB-MLE kaya hindi nila alam ang mga bagong impormasyon at mga teknik sa pagtuturo. Panghuli ay madaling masira ang mga LM na ginagamit sa mga mag-aaral kaya hindi ito nababasa at may mga mag-aaral na hindi taal na Sebwano dahil lipat galing ibang rehiyon. Mas mauunawaan pa ang Filipino kaysa Sinugbuanong Binisaya. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral ang nabuong kongklusyon ay may kakulangan ng kagamitan ng pampagtuturo, kanasayan sa pagtuturo at nahirapan sa mga ortograpiyang ginagamit sa pagtuturo.
KEYWORDS: kasanayan, kurikulum, pagtataya, pagtuturo, Sinugbuanon’g Binisaya