ABSTRACT: Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang dalawampung (20) tula ni Ron Canimo gamit angpormalistikong dulog batay sa mga sumusunod na elemento: (a) Sukat at Tugma, (b) Talinghaga atSimbolismo, (c) Imahen, (d) Tema, at (e) Diksiyon. Layunin din nitong mataya ang antas ng pagtanggap ngginawang pagsusuri gamit ang nabuong instrumento sa pagtataya nito. Sinunod dito ang Input-Process-Outputna balangkas ng pag-aaral at ginamitan ng kwantitatib-deskriptib-ebalwatib na pamamaraan. Sa pamamagitanng talatanungang ibinatay sa ginamit ni Morales (2014) na naimodipika ayon sa kahingian ng kasalukuyangpag-aaral, tatlong (3) gurong eksperto ang nagsilbing tagataya dito na siyang tumiyak sa kahusayan ng nabuongpagsusuri ng mananaliksik. Gamit ang Content Analysis, natuklasan na makabagong pamamaraan ang istilo naginamit ni Ron Canimo sa pagsulat ng mga tula. Lahat ng kanyang mga tula ay walang sinusunod na sukat attugma, may iba‟t ibang tayutay at simbolismong ginamit, magkaibang pandama ang pinagana dahil sa mgaimahe at paglalarawang ginawa, iba‟t ibang uri ng pag-ibig ang tinalakay at gumamit ng pormal, impormal okumbersasyonal na wika at makabagong istilo sa pagsulat ng tula. Gamit ang mean at standard deviation,lumabas na “Mataas” ang antas ng pagtanggap sa kabuuan ng mga gurong eksperto na tumaya sa nabuongpagsusuri. Lumabas din na “Mataas” ang antas ng kanilang pagtanggap sa nabuong pagsusuri batay sa mgasumusunod na elemento: (a) Sukat at Tugma, (b) Talinghaga at Simbolismo, (c) Imahen, (d) Tema, at (e)Diksiyon. Mula sa natayang pagsusuri at kinalabasan ng antas ng pagtanggap dito, naitala ang mga paksa saJunior High School Filipino na maaaring lapatan at gamitan ng nabuong pagsusuri.
KEYWORDS: Kumbensyunal, Pagdalumat, Pormalistiko, Ron Canimo, Tula