Regulasyon Sa Sarili at Akademikong Performans Ng Mga MagAaral Sa Batsilyer Ng Sekondaryang Edukasyon Medyor Ng Filipino Sa Jose Rizal Memorial State University-Siocon Campus – AJHSSR

Regulasyon Sa Sarili at Akademikong Performans Ng Mga MagAaral Sa Batsilyer Ng Sekondaryang Edukasyon Medyor Ng Filipino Sa Jose Rizal Memorial State University-Siocon Campus

Regulasyon Sa Sarili at Akademikong Performans Ng Mga MagAaral Sa Batsilyer Ng Sekondaryang Edukasyon Medyor Ng Filipino Sa Jose Rizal Memorial State University-Siocon Campus

ABSTRAK : Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng akademikong regulasyon sa sarili ng mga mag-aaral sa Batsilyer ng Sekundaryang edukasyon medyor ng Filipino at ang impluwensya nito sa kanilang akademikong performans sa unang semestre panuruang taon 2023-2024. Gumamit ito ng descriptive-correlational na pamamaraan ng pananaliksik. Ang mga istatistikang kasangkapan na ginamit ay ang bilang ng mean, standard deviation, at Spearman Rank-Order Correlation Coefficient (Spearman rho), gamit ang Jamovi bilang estadistikal na software. Mayroong pitumpu’t limang (75) respondente na kasali sa pag-aaral. Ang antas ng akademikong sariling regulasyon ay napakataas habang ang antas ng akademikong performans ay napakagaling. Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga antas ng regulasyon sa sarili at akademikong performans. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng mananaliksik na ang mga nangungunang opisyal ng JRMSU System, sa pamamagitan ng System Dean ng Kolehiyong Edukasyon, ay gamitin ang mga natuklasan ng pag-aaral bilang batayan para sa pagbalangkas ng panukalang pagsasanay na magpapabuti sa kakayahan ng mga guro. Ang mga guro ay gamitin ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito bilang batayan sa pagbuo ng iba’t ibang estratehiya na magpapalakas sa mga estudyante na magtagumpay sa kanilang mga kurso. Ang mga estudyante ay gamitin ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito bilang gabay sa pagninilay sa kanilang mga gawi sa buhay kolehiyo. MGA

KEYWORDS: sariling regulasyon, akademikong performans, mga estudyante ng BSED Filipino, JRMSU Siocon, Zamboanga del Norte, Pilipinas