ABSTRAK : Tunguhin ng pag-aaral na ito ay masuri at mailarawan ang patriotismong napapaloob sa bawat balak na isinulat ng mga mag-aaral sa Junior High ng Paku National High School. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong paraan ng pananaliksik sa anyong pagsusuring pangnilalaman (content analysis) gamit ang konsepto ng patriotismo bilang pundasyon sa pagsusuring ito, kung saan tinutumbok ang mga tema, isyu at values na napapaloob sa isinulat na balak. Sa mga akdang balak na isinulat ng mga piling mag-aaral, napapalooban ito ng mga uri ng patriotismo: personal (Ginikanan o ‘Magulang’), official (Paghigugma sa Nasod o ‘Pag-ibig sa Bayan’), environment (Gugma sa Dios, Dili Matupngan o ‘Pag-ibig ng Diyos, Di Mahihigitan’; Hagawhaw o ‘Bulong’ at Pinalanggang nasod o ‘Mahal na Bayan’); icon (Nasod Ko, Sud-ungan Ta o ‘Bayan ko, Masdan Mo’), nationalist symbolic (Pagkahuman sa Piniliay o ‘Pagkatapos ng Eleskyon’), symbolic (Respeto o Paggalang), at capital patriotism (Pagsinati o Karanasa). Samakatuwid, ang pitong (7) uri ng patriotismo ay umiiral sa mga isinulat na balak. Batay sa resulta sa pag-aaral na ito, magkatugma ang uri ng Patriotismo na napapaloob sa may-akda at tugon ng mga tagapakinig. Bukod dito, kakikitaan pa rin ng ibang uri ng patriotismo sa bawat akda mula sa tugon ng tagapakinig nito. Malaking bagay ang pagkakabuo ng Kalipunan ng Sampung Natatanging Balak bilang awtput na kung saan maaaring gamitin bilang Lunsaran sa Pagtuturo. Ang balak ay isang natatanging akdang panrehiyon ng Kabisayaan na maaring magbigay ng instrumento upang mas makilala ng mga kabataan ang tunay at tanging puso ng pagiging patriotiko